Ang Labanan sa Los Banos: Ang pagbabalik tanaw sa kasaysayan.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, marami nang mga labanan ang tumatak sa mga aklat, mga dyurnals, at mga talaarawan na nailimbag. Mula pa sa panahon ng ating mga ninuno, hanggang sa panahon natin sa kasalukuyan. Tumatak na rin ang mga taong naging bahagi ng mga labanan na naganap sa nakalipas na panahon. Isa na rito sina Andres Bonifacio, na siyang nanguna sa mga labanan para sa kalayaan laban sa mga Espanyol. Si Heneral Gregorio del Pilar at ang labanan sa Tirad Pass na kanyang ikinasawi. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakilala rin si Heneral Douglas MacArthur dahil sa kanyang pagdaong sa Leyte. Ang pangyayaring ito ay naging dahilan upang maganap ang isang pagsalakay sa bayan ng Los Banos, Laguna. Ang pagsalakay sa Los Banos ay naganap noong Pebrero 23, 1945 na kung saan nagsanib pwersa ang mga Gerilyang Pilipino at ng U.S. Army Airborne sa Unibersidad ng Pilipinas. Dahil dito, lumaya ang mahig