Ang Labanan sa Los Banos: Ang pagbabalik tanaw sa kasaysayan.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, marami nang mga labanan ang tumatak sa mga aklat, mga dyurnals, at mga talaarawan na nailimbag. Mula pa sa panahon ng ating mga ninuno, hanggang sa panahon natin sa kasalukuyan. Tumatak na rin ang mga taong naging bahagi ng mga labanan na naganap sa nakalipas na panahon. Isa na rito sina Andres Bonifacio, na siyang nanguna sa mga labanan para sa kalayaan laban sa mga Espanyol. Si Heneral Gregorio del Pilar at ang labanan sa Tirad Pass na kanyang ikinasawi. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakilala rin si Heneral Douglas MacArthur dahil sa kanyang pagdaong sa Leyte. Ang pangyayaring ito ay naging dahilan upang maganap ang isang pagsalakay sa bayan ng Los Banos, Laguna.
Ang pagsalakay sa Los Banos ay naganap noong Pebrero 23, 1945 na kung saan nagsanib pwersa ang mga Gerilyang Pilipino at ng U.S. Army Airborne sa Unibersidad ng Pilipinas. Dahil dito, lumaya ang mahigit 2,000 mga bilanggo na kinabibilangan ng maraming lahi. Ito ay ang mga lahing Amerikano, Pranses, Italiano at iba pa. Naganap ang pagsalakay na ito dahil sa pangamba ni Heneral Douglas MacArthur, na pinuno ng hukbong bumalik sa Pilipinas, na baka patayin ng mga Hapon ang mga Pilipino't Amerikano kanilang binilanggo. Dahil dito, sa pinagsanib pwersang 511th Parachute Infantry Regiment (PIR) of the 11th Airborne Division at ng mga gerilyang Pilipino, at sa pamumuno ni Major Henry Burgess, nagkaroon sila ng plano na lusubin ang internment camp ng mga Hapon. Sa huli, napalaya nila ang mga bilanggo at sila ay nagtagumpay. Subalit, Nakatakas si Lt. Sadaaki Konishi sa pagsalakay sa kampo. Sa kanyang pagbabalik, itinuon niya at ng kanyang mga kasamahang Hapon ang kanilang galit sa mga mamamayan na malapit sa kampo. Pinagpapatay nila ang mahigit 1,500 mga pamilyang Pilipino pagkaraan ng pagkakalaya ng mga bilanggo sa kampo. Nadatnan ng mga sundalong Amerikano na sinunog at itinali ang mga mamamayan nang muling silang bumalik sa sinugod na kampo at kanilang nakita ang kalunos lunos na kamatayan ng residente na malapit sa internment camp.
Sa labanang ito, hindi magtatagumpay ang operasyong ito kung hindi na rin sa tulong ng mga gerilyang Pilipino noong panahon na iyon. Sila ang naging mata at tenga ng mga Amerikano upang mabuo nila ang planong pagsalakay sa internment camp ng mga Hapon. tiniktikan nila ang bawat galaw ng mga Hapon , inalam ang mga posibleng ruta para sa pagsalakay at sila ay naging katulong ng mga Amerikano upang magtagumpay ang operasyon na iyon. Sa kabilang banda, masasabi nating biktima lamang ng digmaan ang mga mamamayang Pilipino na pinagpapatay ng mga Hapon matapos ang pagsalakay. Bagaman madaling sabihin na sila ay hindi nakinig sa paalala ng mga gerilya na umalis sa lugar nila dahil mapanganib, Hindi pa rin natin sila dapat na husgahan sa kanilang desisyon na pananatili nila sa kanilang lugar kahit may panganib na dulot ng mga Hapon.
Sa konteksto, sinasabi ng ilan na ito ay isang matagumpay na operasyon na naganap noong Ikalawang Digmaang pandaigdig dahil ito ang naging isang halimbawa ng operasyon ng militar na talagang naging planado sa lahat ng aspeto. Mula sa pagpaplano, sa pakikipagtulungan sa mga kaalyado, at pagkuha ng mga konkretong impormasyon tungkol sa mga kalaban. Subalit, maraming magsasabi na hindi ito matagumpay dahil sa naging epekto nito sa mga Pilipinong nadawit sa gulong ito.
Sa huli, may ibig lamang ipahiwatig ang pangyayari na ito. Sa digmaan, walang panalo at walang talo. Kahit anong plano at pagsasanay ng mga sundalo sa pakikipaglaban, mayroon pa ring mga mamamtay sa giyera. Kaya naman, hangga't maaari, marapat lamang na matuto tayo mula sa mga pangyayari sa Los Banos. Dapat nating matutuhan na sa bawat pagpaplano, tingnan mabuti ang maaring mga kalabasan ng plano upang kaunti o walang buhay ang mapahamak at maapektuhan.

Mga Sanggunian:
- https://en.wikipedia.org/wiki/File:The_American_Soldier_1945.jpg
- Arthur, Anthony. Deliverance at Los Baños (1985) Thomas Dunne/St. Martin's Press ISBN 0-312-19185-5
- Flanagan, Edward M. The Los Baños Raid: The 11th Airborne Jumps at Dawn (1986) Presidio Books ISBN 0-89141-250-6
- Henderson, Bruce. Rescue at Los Baños: The Most Daring Prison Camp Raid of World War II (2015) William Morrow ISBN 978-0-06-232506-8
- Rottman, G.L. The Los Banos Prison Camp Raid (Oxford: Osprey Publishing Ltd., 2010, ) ISBN 9781849080750
- S. Sandler. World War II in the Pacific: An Encyclopedia (2000) Routledge ISBN 0-8153-1883-9
- Robert A. Carroll (18 January 2009). "The 11th Airborne Division Provisional Reconnaissance Platoon and the Los Baños Raid". Leo F. Kocher, 511th Parachute Infantry Association. Retrieved 25 November 2009.
- Onorato, Michael Paul. Forgotten Heroes: Japan's Imprisonment of American Civilians in the Philippines, 1942-1945: an Oral History (Meckler, 1990)
- https://www.historynet.com/world-war-ii-liberating-los-banos-internment-camp.htm
- https://warfarehistorynetwork.com/2016/09/28/the-los-banos-raid/
- https://pacificparatrooper.files.wordpress.com/2018/02/w-los-banos-feb13-7.jpg
Comments
Post a Comment