Posts

Showing posts from October, 2019
Ang "Kumbensyong Tejeros" at ang Kasalukuyang Sistemang Pulitikal ng Pilipinas         Sa Kasalukuyang panahon, hindi na bago dito sa Pilipinas ang isyu ng korupsyon at anomalya   sa ating sistemang politikal. Isa na marahil dito ay ang sinasabing dayaan sa pagka-bise presidente ni Vice President Leni Robredo sa nakaraang 2016 Presidential Elections. Ang mga naging dayaan sa eleksyon noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Febuary 7,198 6 kung saan naganap ang "Snap Election" na kung saan nakalaban niya ang partido UNIDO  na pinangungunahan nila dating senador Doy Laurel at ang maybahay ni dating senador Ninoy Aquino Jr. na si Corazon Aquino. Lumabas sa resulta na nanalo ang pangulong Marcos, subalit ayon sa NAMFREL o National Movement fot Free Election na ang oposisyon ang nagwagi na siyang naging pasimula ng People Power Revolution.        Sa kasaysayan, sinasabing may anomalya ring naganap noong panahon ng himagsikan. Masasalamin ito sa kag
Image
Ang Pagsalakay ng mga Moro noong panahon ng Espanyol at ang Kasalukuyang Lipunan ng Pilipinas            Sa kasalukyang panahon, ang mga Moro, o "mga Muslim", ay kilala ng ating lipunan bilang mga tagatinda ng mga piniratang dvd, mga gadyets sa ating mga palengke gaya ng bluetooth speakers , powerbanks , at iba pang mga pangangailangan natin sa pang-araw araw na pamumuhay. Sa ibang mga tao, maaaring ang ilan sa kanila ay nababansagang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF , Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF  at iba pang mga teroristang grupo na nagtatago sa mga isla ng Mindanao. Sa kasaysayan, ano nga kaya ang naging papel nila noong panahon ng mga Espanyol? Ano ano nga ba ang halaga ng mga pangyayaring ito sa ating bansa sa kasalukuyan?              Noong panahon ng mga Espanyol, marami nang naitalang mga pagsalakay ng mga katutubong muslim sa iba't -ibang bahagi ng ating bansa. Ang layunin ng mga pagsalakay na ito ay upang makakuha ng
Image
Mga Pamanang Kultura ng mga Kastila sa Pilipinas         Ang Pilipinas ay napasailalim ng pananakop ng mga Espanyol sa loob ng mahigit 300 taon. Sa panahong iyon, maraming mga pagbabago ang mga naganap sa bansang Pilipinas pagdating sa pananmit, sistemang politikal,relihiyon, literatura, tradisyon, at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Masaabi nating malaki ang naging bahagi kolonyalismo sa kasaysayan ng  Pilipinas. Subalit, ano ano nga ba ang naging mga pamana o mga imlpuwensya sa atin ng mga dayuhang Espanyol? Nakabuti nga ba talaga ito sa ating mga kababayang Pilipino noong panahon ng Kastila?                        Sa kasalukuyang panahon, makikita natin ang mga naging impluwensya ng Kastila sa atin mula sa pagkain.  Isa nang halimbawa nito ay ang madalas nating makita sa  menu ng mga karinderya, ang Tocino.   Ang  Tocino  ay dinala rito sa Pilipinas ng mga Espanyol. Ang kahulugan ng Tocino sa salitang Espanyol ay tumutukoy sa mga karneng bacon o  pinalasang karne