Ang "Kumbensyong Tejeros" at ang Kasalukuyang Sistemang Pulitikal ng Pilipinas
Sa Kasalukuyang panahon, hindi na bago dito sa Pilipinas ang isyu ng korupsyon at anomalya sa ating sistemang politikal. Isa na marahil dito ay ang sinasabing dayaan sa pagka-bise presidente ni Vice President Leni Robredo sa nakaraang 2016 Presidential Elections. Ang mga naging dayaan sa eleksyon noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Febuary 7,1986 kung saan naganap ang "Snap Election" na kung saan nakalaban niya ang partido UNIDO na pinangungunahan nila dating senador Doy Laurel at ang maybahay ni dating senador Ninoy Aquino Jr. na si Corazon Aquino. Lumabas sa resulta na nanalo ang pangulong Marcos, subalit ayon sa NAMFREL o National Movement fot Free Election na ang oposisyon ang nagwagi na siyang naging pasimula ng People Power Revolution.
Sa kasaysayan, sinasabing may anomalya ring naganap noong panahon ng himagsikan. Masasalamin ito sa kaganapan sa Kumbensyon sa Tejeros o ang "Tejeros Convention". Ginanap ito noong Marso 22, 1897 sa isang gusali ng mga prayle sa Tejeros, San Francisco de Malabon sa Cavite. Ang layunin nito ay ang pagbuo ng depensa sa Cavite laban sa mga Espanyol at ang pagbuo ng panibagong sistema ng pamahalaan. Ang naging resulta, nahalal si Emilio Aguinaldo bilang Pangulo habang si Bonifacio naman ay nagkamit ng posisyon ng pagiging Kalihim ng Interyor. Subalit, nagkaroon ng pagtutol dito si Daniel Tirona sapagkat hindi nararapat si Bonifacio sa gayong posisyon dahilan sa kakulangan ng edukasyon ng Supremo. Dahil dito, binuo ni Bonifacio ang "Acta De Tejeros" bilang pagpapakita ng pagsalungat ng kanyang pangkat sa nangyaring dayaan na siyang ipinahayag ng supremo sa kalihim nito na si Emilio Jacinto. Sa huli, nauwi ang lahat ng pangyayaring ito sa kamatayan ni Andres Bonifacio at ng kanyang kapatid na si Procopio sa Maragondon, Cavite noong Mayo 10, 1897.
Ipinakikita lamang ng pangyayaring ito na may isyung politikal na nagaganap sa loob ng Katipunan na nasasalamin sa kasalukuyang panahon. Higit sa lahat, ang ganitong klase ng kalakaran sa politika ay nagreresulta lamang sa kapahamakan ng isang tao o grupo.
Mga Sanggunian:
http://malacanang.gov.ph/74713-elections-of-1986
https://newsinfo.inquirer.net/868826/did-you-know-1986-snap-election
http://nhcp.gov.ph/andres-bonifacio-and-the-katipunan/
https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/645161/finally-on-display-bonifacio-s-letters-exposing-betrayal-at-tejeros-convention/story/

Comments
Post a Comment