Mga Pamanang Kultura ng mga Kastila sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay napasailalim ng pananakop ng mga Espanyol sa loob ng mahigit 300 taon. Sa panahong iyon, maraming mga pagbabago ang mga naganap sa bansang Pilipinas pagdating sa pananmit, sistemang politikal,relihiyon, literatura, tradisyon, at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Masaabi nating malaki ang naging bahagi kolonyalismo sa kasaysayan ng Pilipinas. Subalit, ano ano nga ba ang naging mga pamana o mga imlpuwensya sa atin ng mga dayuhang Espanyol? Nakabuti nga ba talaga ito sa ating mga kababayang Pilipino noong panahon ng Kastila?
Sa kasalukuyang panahon, makikita natin ang mga naging impluwensya ng Kastila sa atin mula sa pagkain. Isa nang halimbawa nito ay ang madalas nating makita sa menu ng mga karinderya, ang Tocino. Ang Tocino ay dinala rito sa Pilipinas ng mga Espanyol. Ang kahulugan ng Tocino sa salitang Espanyol ay tumutukoy sa mga karneng bacon o pinalasang karne. Matamis ang lasa nito at mamula-mula ang kulay ng karneng ito. Inihahanda ito sa pamamagitan ng paghahalo halo ng mga pampalasa, asin, asukal, tubig, salitre, at katas ng pinya kung minsan at ibabad dito ang karne at iiwan para kuampit ang lasa nito. Ang uri ng ganitong putahe ay may pagkakahawig sa lutong Kampampangan na pindang.
Tocino
Sa larangan ng Literatura, nagkaroon din ng malaking pagbabago sa ating paraan ng pagsulat at makikita ito sa pag-usbong ng abeccedario. Bago pa man dumating ang mga Kastila, may sarili nang sistema ng pagsulat ang mga Filipino, lalo na ang mga pangkat ng mga Katagalugan, ang Baybayin. Nawala lamang ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino noon nang umusbong na ang bagong paraan ng pagsulat na ipinakilala ng mga Espanyol. Ang abeccedario ay binubuo ng 32 mga letra, kasama na rito ang mga letrang c,ch,f,j,ll,ñ,ñg,q,rr,v,x, at, z. Ang katibayan ng pag-usbong ng abeccedario ay makikita natin sa kauna-unahang aklat na nailimbag dito sa Pilipinas, ang Doctrina Christiana na naglalaman ng mga kautusan at doctrina ng Katolisismo. nakasulat sa mga unang pahina ng aklat ang mga salitang Latin at ang mga katumbas na salita nito sa katutubong wika.
Ang aklat ng Doctrina Christiana
Sa Kasaysayan, makikita natin may mga mabuting naidulot ang mga impluwensyang Espanyol sa kulturang Pilipino. Bagaman nagkaroon ito ng masamang epekto sa atin sa paraang tinanggal nito ang ating naunang mga paniniwala, Bahagi na ito ng ating kasaysayan at dapat natin itong pahalagahan.
Mga Pinagkuhanan:
Tan, N. (2014, August 22) Evolution of Filipino Alphabet. Retrieved from https://www.rappler.com/newsbreak/iq/66819-evolution-filipino-alphabet
Sensagent.(2019). Retrieved from http://dictionary.sensagent.com/Tocino/en-en/
GMA News Online. (2019,January 21) Ang pinagmulan ng tocino, aalamin sa 'PinaSarap'. Retrieved from https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/pinassarap/682225/ang-pinagmulan-ng-tocino-aalamin-sa-pinas-sarap/story/
Comments
Post a Comment