Posts

Ang Labanan sa Los Banos: Ang pagbabalik tanaw sa kasaysayan.

Image
     Sa kasaysayan ng Pilipinas, marami nang mga labanan ang tumatak sa mga aklat, mga dyurnals, at mga talaarawan na nailimbag. Mula pa sa panahon ng ating mga ninuno, hanggang sa panahon natin sa kasalukuyan. Tumatak na rin ang mga taong naging bahagi ng mga labanan na naganap sa nakalipas na panahon. Isa na rito sina Andres Bonifacio, na siyang nanguna sa mga labanan para sa kalayaan laban sa mga Espanyol. Si Heneral Gregorio del Pilar at ang labanan sa Tirad Pass na kanyang ikinasawi. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakilala rin si Heneral Douglas MacArthur dahil sa kanyang pagdaong sa Leyte. Ang pangyayaring ito ay naging dahilan upang maganap ang isang pagsalakay sa bayan ng Los Banos, Laguna.                                                    Ang pagsalakay sa Los Banos ay naganap noong Pebrero 23, 1945 na kung saan nagsanib pwersa ang mga Gerilyang Pilipino at ng    U.S. Army Airborne  sa Unibersidad ng Pilipinas. Dahil dito, lumaya ang mahig

Reaksyong Papel para sa "Ganito kami noon, Paano kayo ngayon?"

Image
 "Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon": Pelikulang Sumasalamin sa ating mga Pilipino. Pinagbidahan ito ni Chistopher De Leon bilang si Nicholas Ocampo o "Kulas"           Ang palabas na ito ay pinagbidahan nila Cristopher De Leon, na siyang gumanap bilang si   Nicholas Ocampo o "Kulas", Si Gloria Diaz, bilang si "Diding" at iba pang mga batikang aktor noong dekada '70. Umikot ang buong kwento sa paghahatid ni Kulas sa isang bata na anak ng isang prayle at ang pagbabago ng kanyang buhay dahil dito. Naganap ang buong kwento mula noong panahon ng rebolusyon ng mga Pilipino laban sa Kastila hanggang sa pagdating ng mga Amerikano. Bagaman si Kulas ay nakaranas ng pagkakakulong, panlilinlang ng mga taong kanya sanang pagkakatiwalaan, hinarap niya pa rin ito ng buong loob. Sa huli, iniwan niya ang kanyang minamahal at siya ay nagpakalayo                          Maraming ipinakita ang palabas na ito tungkol sa mg
Ang "Kumbensyong Tejeros" at ang Kasalukuyang Sistemang Pulitikal ng Pilipinas         Sa Kasalukuyang panahon, hindi na bago dito sa Pilipinas ang isyu ng korupsyon at anomalya   sa ating sistemang politikal. Isa na marahil dito ay ang sinasabing dayaan sa pagka-bise presidente ni Vice President Leni Robredo sa nakaraang 2016 Presidential Elections. Ang mga naging dayaan sa eleksyon noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Febuary 7,198 6 kung saan naganap ang "Snap Election" na kung saan nakalaban niya ang partido UNIDO  na pinangungunahan nila dating senador Doy Laurel at ang maybahay ni dating senador Ninoy Aquino Jr. na si Corazon Aquino. Lumabas sa resulta na nanalo ang pangulong Marcos, subalit ayon sa NAMFREL o National Movement fot Free Election na ang oposisyon ang nagwagi na siyang naging pasimula ng People Power Revolution.        Sa kasaysayan, sinasabing may anomalya ring naganap noong panahon ng himagsikan. Masasalamin ito sa kag
Image
Ang Pagsalakay ng mga Moro noong panahon ng Espanyol at ang Kasalukuyang Lipunan ng Pilipinas            Sa kasalukyang panahon, ang mga Moro, o "mga Muslim", ay kilala ng ating lipunan bilang mga tagatinda ng mga piniratang dvd, mga gadyets sa ating mga palengke gaya ng bluetooth speakers , powerbanks , at iba pang mga pangangailangan natin sa pang-araw araw na pamumuhay. Sa ibang mga tao, maaaring ang ilan sa kanila ay nababansagang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF , Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF  at iba pang mga teroristang grupo na nagtatago sa mga isla ng Mindanao. Sa kasaysayan, ano nga kaya ang naging papel nila noong panahon ng mga Espanyol? Ano ano nga ba ang halaga ng mga pangyayaring ito sa ating bansa sa kasalukuyan?              Noong panahon ng mga Espanyol, marami nang naitalang mga pagsalakay ng mga katutubong muslim sa iba't -ibang bahagi ng ating bansa. Ang layunin ng mga pagsalakay na ito ay upang makakuha ng